(umaawit) ♪ (musika) ♪ (umaawit) Ang panganib ng paglimot iyan ang daan ng pagkalipol. Ang aming salmon ay nanganganib na uri na. Ang Winnemen Wintu ay maaaring nasa listahan na ng nanganganib na uri Gaya ng pagkaubos ng bilang ng salmon, ganoon din ang Winnemem Wintu. ♪ (musika) ♪ Pumunta ako sa kongreso para ipanawagan ang tribo ng Kalash na nanganganib maubos dahil sa nagbabagong klima. Ang pamayanan ay 6,000 gulang at 4,000 katao lamang. ang buong pamayanan ay nanganganib nang mawala. Paggalang sa tradisyonal na kaalaman sa kapaligiran, pagbukas ng pagkakataon ng pagkatuto mula sa mga taong nagpapatuloy na manirahan sa mga lupaing ito ay pagkakataon para sa ating lahat na mas malaman ang nangyayari sa ating mundo. Ang kaalaman ay hindi lamang sa paaralan. Ang kaalaman na galing sa pananatili sa isang lugar ng habang-panahon, ay iba sa pag-aaral ng isang tao nanatili ng 5 taon o kahit 20 taon. Kinakatawan ko ang daang taong tradisyonal na kaalaman ng mga katutubo. Para sa amin mahalaga na makita kung paano mapangalagaan ng bagong henerasyon ang kapaligiran. Kung paano mapangangalagaan ang mga kaalaman na ito para pangalagaan tayo, ang ating kinabukasan. (wikang español) Kami, ang mga katutubo ng mundo, batid kung paano mamuhay sang-ayon sa ating Inang Kalikasan. Dahil ginagalang namin ito. Dahil naiintindihan namin na kailangang mapanatili ang balanse. Balanse at pagkakaisa. ♪ (musika) ♪ Alalahanin natin na noon ay isang sinisiil na tinig ay isa nang matalinong pahayag patungkol sa kalupaan. Naniniwala ako para sa hinaharap para sa ating mga apo at iyong mga kaapo-apuhan, ito ay magiging mataginting dahil pangako namin na gagawin namin itong mataginting. (wikang español) Mahalagang makagawa ng pagbabago ngayon dahil kulang na tayo sa oras. Lumalaban tayo para sa pagbabago. Ang mundo, ang IUNC at ang mga miyembro nito, dapat na malaman na ang pagbabago ay kailangan na.