Sa India, 3 milyong batang babae
ang hindi nakakapag-aral.
Isa kada tatlong batang babae edad 10-14.
Pero ang “Pag-aralin ang mga Batang Babae”
ay binabago iyan.
Ang ideyang nananaig dito ay
ang kambing ko ay yaman
at ang anak na babae ay utang.
At ito ay talagang tungkol sa
pagbabago ng pag-iisip na iyan.
Ang pangalan ko ay Bhagwanti.
Bago ako pumasok sa eskwela,
gagawin ko muna ang gawaing-bahay:
magluto, maghugas, ipapastol
ang mga kambing para kumain.
Minsan, naglilinis din ako ng bahay.
Una sa lahat,
sa bawat nayon na pinupuntahan namin
meron kaming makikilalang
bolunter sa kumunidad.
Ang mga bolunter ay kabataan,
nakapag-aral, at may puso.
Sila mismo gustong makakita
ang pagbabago.
Mag-babahay-bahay sila, hahanapin
ang bawat batang babaeng hindi nag-aaral.
Tapos, uupo sila kasama ang kumunidad.
At bubuo ng plano kasama sila para
madala ang mga kabataang babae
pabalik sa paaralan.
Ang mga bolunter o ‘Balikas’
ay katuwang ng mga paaralan para
masiguradong ligtas sila
at may palikurang pambabae.
Tumutulong din sila
sa pagtuturo sa mga batang babae.
Tapos, ang “Grupong Balika’
na bolunter ay pupunta sa silid-aralan
ng mga paaralan ng gobyerno
at magsasagawa ng balik-aral
sa Hindi, Ingles, at Matematika
para masiguro lahat ng mga bata
-babae at lalake,
ay talagang nakukuha ang
mga angkop at tamang kaalaman.
Ito ay tungkol sa bawat batang babae
na babalik sa eskwela.
Ito ay tungkol sa bawat batang babaeng
magiging parte ng nagbabagong mundo.
Ito ay tungkol sa bawat batang babaeng
magiging dahilan ng pagbabago sa pamilya,
at ito ay tungkol sa bawat
batang babaeng magiging pagbabago
sa kumunidad sa pangkalahatan.
Pinupunto natin ang mas maayos
na kalusugan, mas mabuting sahod.
Pinupunto natin ang mas angkop
na edukasyon, para ito sa bawat bata.
Mayroong 50, 60 porsyento ng mga batang
babae sa Rajasthan ang kinasal
ng mas bata sa 18.
Sa buong bansa, ang porsyento
ng batang-kasalan ay mataas.
Maraming mga bata din,
mga 10-15 porsyento
ang kinasal ng mas mababa sa edad na 10.
Ikinasal ako ng mga magulang ko
noong ako ay 14.
Nag-aaral ako sa ika-8 baitang.
Pumayag ang magiging biyenan ko
na ituloy ko ang pag-aaral ko pero
nang lumabas ang resulta ng mga
pagsusulit ko,
hindi sila tumupad sa pangako nila.
Isa si Neelam sa 10,000 Balikas ng
Pag-aralin ang mga Batang Babae.
Natulungan nila ang may
dalawang milyong bata.
Gusto ko maging guro pagtapos ko mag-aral
at tuturuan ko ang mga batang babae
dahil kapag nakapag-aral ka
mayroon kang lakas ng loob,
makakatayo ka sa sarili mong paa,
makakahanap ng trabaho
at suportahan ang pamilya sa gastusin.
Bawat dagdag na taon ng pag-aaral ng isang
babae ay pagtaas sa sahod niya ng 20%.
Sa huling 10 taon, ipinagmamalaki
kong sabihin na nakahanap tayo
at nakapag-balik ng 150,000
mga batang babae sa eskwela
na ngayon ay patuloy na
nag-aaral sa eskwela at natututo.