Sa India, 3 milyong batang babae
ang hindi nakakapag-aral.
Isa kada tatlong batang babae edad 10-14.
Pero ang “Pag-aralin ang mga Batang babae” ay binabago iyan.
Ang ideyang nananaig dito ay
ang kambing ko ay yaman
at ang anak na babae ay utang.
At ito ay talagang tungkol sa
pagbabago ng pagiisip na iyan.
Ang pangalan ko ay Bhagwanti.
Bago ako pumasok sa eskwela,
gagawin ko muna ang gawaing-bahay:
magluto, maghugas, dalhin ang mga
kambing para kumain ng damo.
Minsan, naglilinis din ako ng bahay.
Una sa lahat,
sa bawat nayon na pinupuntahan namin
meron kaming makikilalang bolunter.
Ang mga bolunter ay kabataan,
nakapag-aral, at may puso.
Sila mismo gustong makita
ang pagbabago.
Mag-babahay-bahay sila, hahanapin
ang bawat batang babaeng hindi nakakapag-aral.
Tapos, uupo sila kasama ang kumunidad.
At bubuo ng plano kasama sila
para maipasok
ang mga kabataang babae
pabalik sa paaralan.
Ang bolunter ng kumunidad o ‘Balikas’
kumikilos kasama ang eskwelahan ng lugar…