Mga ilan tag-araw na
ang nakakalipas,
Ginagawa ko ang painting na
"Heaven."
Ito ay isang malayang
pagpipinta,
isang obra na may malayang
galaw at layunin.
Iniisip ko ito yung medyo modernong
bersiyon ko ng abstract.
At binabasa ko noon ang talambuhay
ni de Kooning,
kung gaano kahirap na nakaupo lamang
si de Kooning noon ng ilan taon,
kakasubok na makagawa ng tamang obra.
At ako naman ay gumagawa ng aking
pekeng pagpapahayag ng abstract,
kapareho ng bagay
na kanyang ginagawa:
Sa aking pagmamasid.
Babalikan ko,susundutin ko
ng kaunti panandalian.
At pagkatapos ay uupo.
Tapos maiisip ko habang
nagbabasa ng libro,
"Nakakainip naman, de Kooning!"
Tapos mapapaisip ako,
"Ang hirap pala gawin!"
Tapos tumiigil ako
ng mga oras na iyon.
[TAWA]
Nung nagsimula ako
magpinta,
galing ito sa mga
iskultura,
at ginagamit ko na pintura ay
ay pang iskultura mismo.
Magsisimula ako magpinta ng
pataaas at pababa
tapos ay patagilid ng
dire-diretso,
para matakpan ang mga bakas
ng brush.
Hindi yung buburahin,
yung tipong hindi lang mapapansin.
Tapos may isang pagkakataon,
naglagay ako ng masking tape
at nilagyan ko ng pintura lahat,
yung para magkaroon ka
ng ganoon na galaw
na paulit ulit lang.
At isa yung napakalaking
pagbabago.
Nakuha mo pareho.
Nakuha mo ng sabay.
Nagaya mo si Albers at de Kooning
sa iisang obra.