Ayos 'yang sumbrero mo Badúy! Mukha kang itik Pinabasa ko kay Alfred ang libró mo sabi niya ito'y walang kuwenta! dudurugin ko ang mga bayág mong Britón hanggang magíng Bangers and Mash (sausage at mashed potatoes) Mas maayos pa ang detective work sa Tango at Cash Ikaw, banô Kinukumog ko ang gaya mong mga palaboy habang kayo nitong si Velma'y nagso-solve ng mga Scooby-Doo mystery waláng nagpapatawa sa akin ngunit baká puwede pa ang mga rap mo kaya, sige, puta Ako'y si Batman! Mayroón akong nakilalang mayaman Amóy taeng paniki't sakit Holmes, magpaliwanag ka Pantaha ko'y na itóng mantsáng buwiset ay si Bruce Wayne Ang bilyonaryo? Oo, sa yaman niyá itóng ating katunggalî ay mabibilí ang kaniyáng mga laruán Dahil wala siyang mga superpower! Nais mong lumaban, paniki? Sige! Diníg ko ang mayordomo niya'y Britón Bueno, e 'di sanáy siyang masilbihán ng Inglés! Siraulo kang bihilanteng naka-itím na panty Walang kuwenta! Alalay ko'y doktor Pagkatatás niya'y malalâ Tumahimik kayóng mga nerd Nagsisilbi ako nga katarungan, kaya isaksák niyo sa baga niyo Alalay ko'y dumarating lang sa tuwing kinakailangan siya Boy Wonder nagpapataka sa 'yo paano ka napatáy Kagát higít sa mga aso sa bandáng Baskerville Pasabog ko sa inyo Bat-wack-rap repellent mag-rappel sa gusalí at manghuli ng salarín Pagka-hapunan na'y pahayahay na lang mayro'n akong lihim tungkól sa bebot mong si Irene Adler dinala ko sa pugad ko para i-bam-pow-kersplat (masiping)! Wawasakin ko ang 'yong biyolín gamit ng aking kamáy Santo Conan Doyle, sila'y ating hulihín! Ay, punyeta! Hindi ka matalino ni hindi maksarili Nilalagay mo sa panganib ang lahat ng tao Bakit itong syota mo'y hindî iyóng pauwiin sa kaniyáng asawa? Walang may gusto sa 'yo ni kapatíd mo, kasamahán mo kahit pa ang Scotland Yard mamamtáy kang mag-isáng waláng kaibigan maliban sa karayom na nakaturók sa braso mo Hindi dapat ito makaapekto sa emosyón Una, pagsamantalahín ang trahedya ng kamusmosán tapos, kumumpas gamit ang pipa tatapusin ni Watson ang punchline sunód, kilalanin ang batì magwakás gamit ng pamatáy na wikain Pantaha ko'y ang pagpasláng sa 'yong magulang Ang dahilan ng iyong pagtakíp ng mukhâ Nahihiya ka't na-trauma minumulto ng dakilang kahihiyáng pagmamasíd lamang habang si nanay ay namamatáy si tatay nama'y natodas ng mabilís Holmes, nasolve mo ang kaso! Isa kang dakilang balíw na todo sa hibáng Ayós ng 'yong pagtutula! Marami pa 'yan! Ang pagmamaliit sa mga kumag na 'to ay 'elementary', mahál kong Watson O! Sinong nanalo? Sinong susunód? Kayo ang magpasiya!