Return to Video

Paano ka Namamanmanan ng Gobyerno: Pagmamanman ng NSA

  • 0:01 - 0:04
    Sinusubaybayan ng gobyerno ang mga pribadong tawag sa telepono
  • 0:04 - 0:09
    mga pribadong tawag ng mga anak mo't mga anak ko, pati na pagsubaybay sa kanilang mga kasamahan
  • 0:19 - 0:24
    Nitong Hunyo,natanto nating ang ating pribadong buhay ay hindi na pala matatawag na pribado
  • 0:24 - 0:27
    Ang gobyerno ng Amerika ay patagong sinusubaybayan ang ating mga 'emails'
  • 0:27 - 0:32
    mga bilihin, mga teks, lokasyun at mga tawag sa telepono ng mga tao sa buong mundo
  • 0:33 - 0:36
    Ed Rooney, Ed? Si George Peterson...
  • 0:36 - 0:39
    na may alyas na PRISM at XKEYSCORE,
  • 0:39 - 0:41
    ang ganitong network ng programang sumusubaybay
  • 0:41 - 0:45
    ay isang parte lamang ng pinakamalaking sistema ng pagmamatyag sa kasaysayan
  • 0:45 - 0:50
    Ang walang limitasyong pagmamatyag na ito ay ilegal at pinapatakbo nang patago.
  • 0:50 - 0:53
    Sa sistemang ito, malalaman ng gobyerno kung saan ka nagtungo,
  • 0:53 - 0:55
    kung nasaan ka, at kung saan ka patungo.
  • 0:55 - 0:59
    Nabunyag lamang ang programa noong ang dating kontraktor ng NSA na si Edward Snowden
  • 0:59 - 1:03
    ay naglabas ng mga dokumentong naglalaman ng malawakang pagkolekta ng mga datus.
  • 1:03 - 1:06
    Nakakalap ako ng impormasyon, bagong kabuluhan ay maliliwanagan.
  • 1:07 - 1:11
    Ang presidente, ang NSA at ang kanilang mga abogado ay nagtangkang ilihis ang galit na publiko
  • 1:11 - 1:15
    sa pamamagitan ng pagsira sa katotohanan at paglinlang sa mga tao tungkol sa proseso.
  • 1:15 - 1:21
    Hindi kailanman pinayagan ng korte ng US ang gobyerno na magpatakbo ng programang ispya.
  • 1:21 - 1:22
    Paano nangyari ito kung ganoon?
  • 1:22 - 1:25
    Sandaling balikan muna natin ang nakaraan.
  • 1:27 - 1:33
    Kinamumuhian ng mga tagapagtatag ng Amerika ang mapang-aping pagmamatyag ng British, pati na ang hindi makatwirang paghahanap at pang-aagaw.
  • 1:33 - 1:36
    ang isyu dito ay pagsasarili.
  • 1:36 - 1:41
    Sa pag-iintindi na ang pribadong buhay ay isa sa ating mga karapatan ayon sa konstitusyon,
  • 1:41 - 1:43
    naitalaga ang pang-apat na pagbabago.
  • 1:43 - 1:48
    Layunin nitong pigilan ang gobyerno sa pagmamanman o paghalungkat sa iyong pansariling impormasyon,
  • 1:48 - 1:51
    maliban kung ang rason ay isang pinaniniwalaang krimen na nangyayari.
  • 1:51 - 1:55
    Ang lahat ay nandoroon itim at puti, kasingliwanag ng kristal.
  • 1:55 - 2:01
    Sa paggamit ng NSA nalalabag ng gobyerno ng US ang pinakamataas na batas ng bansa, ang Konstitusyon.
  • 2:05 - 2:10
    Dekadekada na ang pagmamanman ng gobyerno ngunit higit na malala ito noon taong 2001,
  • 2:10 - 2:12
    noong ipinasa ng Kongreso ng US ang Patriot Act,
  • 2:12 - 2:18
    na nagbigay sa korte ng FISA ng karagdagang karapatan upang mag aproba sa malawakang pagmamanman.
  • 2:18 - 2:22
    Sa halip na kumuha ng mandamyento para sa indibidwal na suspek sa isang krimen,
  • 2:22 - 2:24
    maaari nang siyasatin ng gobyerno ang malaking listahan ng mga tao
  • 2:24 - 2:28
    Kahit ang mga taong walang kinalaman sa mga krimen.
  • 2:28 - 2:31
    Hindi na kinakailangang isiwalat ng korte ng FISA ang mga naaaprobahang utos ng hukuman
  • 2:31 - 2:34
    at mga karagdagang ebidensya ay hindi na rin kinakailangan.
  • 2:34 - 2:38
    Sa 1,789 na kahilingan sa awtorisasyon, isa ang iniurong ng gobyerno.
  • 2:39 - 2:40
    Ang mga iba ay naaprubahan.
  • 2:41 - 2:42
    Ito ay isang selyong goma.
  • 2:42 - 2:47
    Lahat ng ito ay nababalot ng lihim, na walang sistema ng pagsusuri at balanse.
  • 2:47 - 2:53
    Kung ang NSA ay nangangalap ng impormasyon base sa iyong binabasa, o sa mga website na iyong pinupuntahan
  • 2:53 - 2:57
    Hinding hindi mo ito malalaman o kaya'y mapipigilan anu man ang iyong katayuan sa buhay.
  • 2:57 - 3:00
    Ang mga programang katulad ng PRISM ay ipinagsasawalang-bahala ang layunin ng mga mandamyento
  • 3:00 - 3:02
    habang ipinapahayag nitong nagtatarabaho ito ayon sa batas.
  • 3:02 - 3:08
    Ang internet na kinahuhumalingan natin ay ginamit ng gobyerno ng US sa isang bagay na hindi naman dapat...
  • 3:08 - 3:11
    ...isang instrumento sa pagmamanman sa lahat ng tao.
  • 3:16 - 3:18
    Ito ang pinakamahalagang problema.
  • 3:18 - 3:22
    Sa pamamagitan ng mga lihim na hukuman at mga lihim na pagbibigay-kahulugan sa mga batas,
  • 3:22 - 3:27
    maaaring magmanman ang gobyerno ng US sa mga gumagamit ng internet base sa keywords,
  • 3:27 - 3:31
    analyst na gumagamit ng sistema para sa portal ng web at Fort Mead,
  • 3:31 - 3:37
    key ng selector o mga termino sa pagsisiyasat na nakaprogramang maghatid ng 51% na tiwala
  • 3:37 - 3:39
    sa tinutudlang makabanyaga.
  • 3:39 - 3:43
    Nakalap ang mga data sa loob ng maraming taon mula sa mga sikat na websites,
  • 3:43 - 3:46
    gmil, facebook, yahoo at marami pang iba.
  • 3:48 - 3:50
    May 1000s mga salita na minamanmanan ng gobyerno.
  • 3:50 - 3:56
    Mga salita kagaya ng "marijuana"
  • 4:01 - 4:04
    Halos kahit anong email ang isend mo
  • 4:04 - 4:06
    ay maaring dahilan ng pagmamanman sa iyong account.
  • 4:06 - 4:10
    Ang klase ng pagmamanmang ito ay maaring magbigay sa iyo ng pangalawang haka-haka.
  • 4:10 - 4:13
    Iyan ang dahilan kung bakit ang pagmamanman sa masa ay wala sa konstitusyon,
  • 4:14 - 4:17
    Hindi mapipigilan ang pang-aabuso at ang pagkalat ng mga data ay nangyayari na.
  • 4:17 - 4:22
    Ang pagmanman sa ating paggamit ng internet ay nagbibigay sa gobyerno ng karapatan sa ating buhay.
  • 4:22 - 4:26
    Anong mangyayari sa karapatang malayang pagsasalita, malayang kapisanan, o kalayaan sa pahayagan,
  • 4:26 - 4:32
    kung ang lahat ay napapaloob sa walang tigil na pagmamanman, kahit sa ating pribadong oras.
  • 4:36 - 4:40
    Ang mga eksperto sa pagmamanman, pagsasarili, at intelihensiya ay sumasang-ayon sa iisang bagay.
  • 4:40 - 4:44
    Ang NSA, Presidente Bush at Obama at ang kanilang lihim na hukuman ay
  • 4:44 - 4:48
    binibigyang-kahulugan ang mga batas na karamihan sa mga Amerikano ay maituturing itong kagulat-gulat.
  • 4:48 - 4:50
    Ito ang pagpapahintulot sa uri ng pagmamanman at pangangalap
  • 4:50 - 4:53
    na hindi kailan man pinapayagan ng saligang-batas.
  • 4:53 - 4:55
    Nalalabag ng mga programang ito ang batas.
  • 4:56 - 5:00
    Nilalabag nito ang ika-apat na pagbabago at pinagkakaitan tayo ng karapatang pagsasarili.
  • 5:00 - 5:04
    Sinulat ang saligang-batas ng US para maiwasan ang pagmamanman ng gobyerno kagaya ng programang PRISM.
  • 5:04 - 5:09
    Nasa sa atin na ang pagpapatibay sa mga ulirang ideyang ito.
  • 5:09 - 5:23
    Tulungan kaming ipahinto ang NSA, ibalik ang Konstitusyon at gawing malaya ang mundo.
Title:
Paano ka Namamanmanan ng Gobyerno: Pagmamanman ng NSA
Description:

HUWAG LANG MANOOD, GUMAWA NG HAKBANG
Ang gobyerno ng US, ginawa ang internet sa isang bagay na hindi naman dapat: isang sistema ng pagmamanman sa atin sa ating mga pribadong oras.

Isinalaysay ni Evangeline Lilly

Hatid sa inyo ng Fight for the Future and Demand Progress.

Produksyon ng Mata Wata - http://matawata.com
Ehekutibo: Evangeline Lilly - http://evangeline-lilly.net

more » « less
Video Language:
English
Team:
Volunteer
Duration:
05:24

Filipino subtitles

Incomplete

Revisions Compare revisions