-
Ang polio ay isang karamdaman na sanhi
-
sa pangbuhay na pagkalumpo
-
Hindi natin magagamot ito,
-
ngunit maaring mapigilan natin ito.
-
Dalawang mahalagang tool upang
maiwasan ang polio
-
Dalawang ligtas, mabisang bakuna.
-
Isa sa mga bakunang ito ay
-
ibinibigay na may dalawang patak lamang
-
sa bibig ng isang bata,
-
Ito ay tinatawag na oral polio vaccine.
-
Ang isa ay sa pamamagitan ng injection,
-
ito ay tinatawag na inactivated polio
virus vaccine.
-
Parehas nilang tinuturo sa katawan ng bata
-
kung paano labanan ang polio virus.
-
Ngunit ginagawa nila ito sa
magkaibang paraan.
-
Ang oral polio vaccine ay nagsisilbing
proteksyon sa bituka ng bata.
-
Ito ay hindi lamang nagpoprotekta
sa bata na tumanggap nito,
-
ngunit pinoprotektahan din ang
napapaligiran ng batang nabakunahan.
-
Ilang dosis ng oral polio vaccine ang
dapat ibigay sa bawat isang bata
-
sa mga lugar kung saan banta ang polyo.
-
Ang injectable na bakuna ay bumubuo ng
proteksyonsa dugo sa halip na sa bituka.
-
Nakakatulong ito upang palakasin ang
resistensiya sa sakit at
-
pinapanatili ang bansa libre na
mula sa polio.
-
Ngunit hindi ito tumitigil sa pagkalat ng
polio sa pagitan ng mga bata,
-
kaya't hindi ito kasing kapaki-pakinabang
sa mga lugar kung saan paikot ang virus.
-
Kailangan natin ng oral vaccine para
mapigilanang virus nasaan man ito.
-
Kapag ang polyo ay tumigil sa
lahat ng dako
-
ang inactivated poliovirus vaccine ay
gagamitin nang mag-isa
-
upang panatilihing protektado
ang mga populasyon.
-
Parehong naaprubahan ang mga bakunang ito
bilang ligtas at epektibo
-
ng World Health Organization.
-
Upang magawa nila ng maayos ang trabaho,
kailangan nilang ibigay sa lahat ng bata
-
saan man sila nakatira.
-
Salamat sa mga bakunang ito
-
ang mga kaso ng polio ay bumaba ng higit
sa 99%sa buong mundo.
-
Pabakunahan natin ang bawat huling bata!
-
Tapusin na natin ang polio ng tuluyan!