Return to Video

Vaccine hesitancy

  • 0:03 - 0:04
    Kumusta!
  • 0:04 - 0:05
    Ako si Doktor Kirk Leifso,
  • 0:05 - 0:08
    isang pedyatrisyan at espesyalista
    sa nakahahawang sakit.
  • 0:08 - 0:10
    At gusto kong mapanatiling
    malusog ang iyong pamilya.
  • 0:11 - 0:13
    Tumutungo ka sa mga doktor at
    iba pang propesyonal sa medisina
  • 0:13 - 0:16
    dahil gumagamit kami ng
    mapagkakatiwalaan at kasalukuyang
  • 0:16 - 0:17
    medikal na kaalaman sa panggagamot.
  • 0:17 - 0:19
    Iyon ang pinakaibuturan
  • 0:19 - 0:21
    kung bakit ako unang naging pisisyan:
  • 0:21 - 0:24
    magsanay ng medisina upang kayo’y
    mapanatiling malusog hangga’t maaari.
  • 0:24 - 0:25
    Itong nakalipas na dekada,
  • 0:25 - 0:28
    napakaraming artista at sariling
    pahayag na eksperto sa kalusugan
  • 0:28 - 0:30
    ang nagbahagi ng kani-kanilang
    pananaw laban sa bakuna.
  • 0:30 - 0:34
    Ngunit dahil hindi ito nakabatay
    sa dalubhasang pananaliksik,
  • 0:34 - 0:37
    paulit-ulit itong pinabubulaanan
    ng siyensa medikal,
  • 0:37 - 0:40
    ang mismong agham na pinagkakatiwalaan
    mo ng iyong pangangalagang medikal.
  • 0:40 - 0:42
    Mahirap patunayan ang mali.
  • 0:42 - 0:44
    Parang inutusan mo akong
    dakpin ang manananggal
  • 0:44 - 0:45
    para maipakitang hindi ito totoo.
  • 0:45 - 0:46
    Napaka-imposible.
  • 0:47 - 0:49
    Minsan, ang mga pagdududang ito ay nananatili,
  • 0:49 - 0:51
    maging sa loob ng mga klinika,
  • 0:51 - 0:52
    kung saan tumutungo sa amin ang mga magulang
  • 0:52 - 0:55
    ukol sa kalusugan ng kanilang pamilya.
  • 0:55 - 0:57
    Kaya bakit ngayon kami ay kinukuwestiyon
  • 0:57 - 0:59
    pagdating sa regular na pagbabakuna?
  • 0:59 - 1:00
    Mahusay na tanong ito.
  • 1:01 - 1:03
    Upang maintindihan mo at ikaw
    ay makapag-desisyon ng tama
  • 1:03 - 1:05
    gamit ang ekspertong impormasyon.
  • 1:07 - 1:10
    Nag-aalinlangan ang mga magulang
    na nakaririnig ng ganitong pananaw.
  • 1:10 - 1:13
    Resulta nito ang mga batang hindi
    nakatanggap ng regular na bakuna,
  • 1:13 - 1:15
    at ang kanilang kalusugan
    ay nailalagay sa panganib.
  • 1:15 - 1:18
    Kalusugan mo at ng iyong anak ang
    pinakaimportante sa mga doktor at nars.
  • 1:18 - 1:22
    Ngayon, tatalakayin ko ang mga karaniwang tanong at pangamba ukol sa bakuna
  • 1:22 - 1:25
    at hinihimok kang ipagpatuloy ang
    usapang ito kasama ang iyong doktor.
  • 1:25 - 1:27
    Hangad kong gagawin mo ang pinakamainam
    na desisyon para sa iyong pamilya
  • 1:27 - 1:29
    batay sa siyensa medikal.
  • 1:29 - 1:32
    Taun-taon, pinoprotektahan ng regular
    na imyunisasyon ang mga pamilya
  • 1:32 - 1:34
    at kabataan sa Canada
    laban sa naiiwasang sakit.
  • 1:34 - 1:36
    At oo, nakatatakot ang karayom.
  • 1:36 - 1:39
    Bilang isa ring magulang, ayaw kong
    nakikitang nasasaktan ang anak ko,
  • 1:39 - 1:41
    ngunit makapagproprotekta lang
    ang bakuna kung ito'y gagamitin,
  • 1:41 - 1:43
    tulad ng car seat na napapaloob sa seat belt.
  • 1:43 - 1:45
    Kung ipagpapaliban mo o
    hindi ka magpapabakuna,
  • 1:45 - 1:47
    palalampasin mo ang proteksyong
    maibibigay nito sa iyong anak.
  • 1:48 - 1:50
    May mataas na antas ng
    kaligtasan ang mga bakuna
  • 1:50 - 1:54
    at patuloy itong sinusuri at sinasaliksik
    sa buong mundo maging sa Canada
  • 1:54 - 1:55
    bago pahintulutang gamitin.
  • 1:56 - 1:58
    Kayo ay nagagalak na magulang
    ng isang malusog na sanggol.
  • 1:58 - 1:59
    Binabati kita!
  • 2:00 - 2:02
    Sangkop sa iyong bagong
    gawain bilang magulang,
  • 2:02 - 2:04
    tulad ng pagpapatulog at pagpapakain,
  • 2:04 - 2:06
    bibigyan ka ng iyong doktor
    ng iskedyul ng imyunisasyon.
  • 2:06 - 2:09
    Nakapaloob sa iskedyul
    na ito kung kailan ang una
  • 2:09 - 2:11
    at mga susunod pang iskedyul ng
    pagpapabakuna ng iyong anak.
  • 2:11 - 2:13
    Nagsisimula ito sa ikalawang taong gulang.
  • 2:14 - 2:16
    Kung may iskedyul na nalampasan,
    maaari pa ring humabol at magpabakuna.
  • 2:16 - 2:19
    Kausapin ang iyong doktor
    o nars upang ito ay maiakma.
  • 2:19 - 2:22
    Sa bawat bakuna, tinutulungan mo
    ang sistemang immuno ng iyong anak
  • 2:22 - 2:23
    na labanan ang mga sakit
  • 2:23 - 2:27
    na maaaring sumira sa kaniyang lamang-loob, paa’t kamay, pag-iisip, at kakayanang magsalita.
  • 2:28 - 2:29
    Ano ba ang ginagawa ng bakuna?
  • 2:30 - 2:32
    Tinuturuan nito ang sistemang immuno
  • 2:32 - 2:33
    na makilala
  • 2:33 - 2:36
    at labanan ang isang impeksiyon
  • 2:36 - 2:37
    kung sakaling matagpuang muli sa hinaharap.
  • 2:39 - 2:43
    Ang ibang bakuna ay nangangailangan ng ilang dosis para sa pinakaepektibong proteksyon.
  • 2:44 - 2:46
    Importante ang panahon.
  • 2:46 - 2:48
    Tulad ng pagtatanim o
    paglilinis ng iyong sasakyan,
  • 2:48 - 2:50
    nasisiguradong epektibo ang pagbabakuna
  • 2:50 - 2:52
    kung gagawin ito sa tamang oras.
  • 2:54 - 2:58
    Noong mga nakaraang taon, ang mga batang
    nasa isa hanggang limang taong gulang
  • 2:58 - 3:00
    ay karaniwang namamatay o naghihirap
  • 3:00 - 3:02
    laban sa mga sakit na
    maiiwasan gamit ang bakuna.
  • 3:02 - 3:04
    Nakatulong ang bakuna upang mabago ito.
  • 3:04 - 3:05
    Iba't ibang programang imyunisasyon
  • 3:05 - 3:09
    ang isa sa mga pinakaepektibong interbensyon tungo sa pampublikong kalusugan,
  • 3:09 - 3:12
    at nagligtas ng milyon-milyong
    buhay nitong nakaraang dantaon.
  • 3:12 - 3:13
    Ngunit kahit ngayon,
  • 3:13 - 3:15
    mayroon pa ring kaso ng mga
    kumakalat na naiiwasang sakit,
  • 3:15 - 3:17
    maging sa loob ng paaralan.
  • 3:17 - 3:21
    At maaaring mahawa ang mga
    bata ng tigdas, beke, tigdas-hangin,
  • 3:21 - 3:22
    ubong-dalahit, at meninghitis.
  • 3:22 - 3:24
    Kailangan ng ibang batang manatili sa tahanan,
  • 3:24 - 3:26
    ang iba sa mga ospital at uminom ng antibiyotiko,
  • 3:26 - 3:28
    at sa pinakamalalang kaso
  • 3:28 - 3:32
    ay makaranas ng komplikasyon tulad ng pagkalumpo, kapansanan, pagkabingi,
  • 3:32 - 3:33
    pagkabulag, at pagkamatay.
  • 3:33 - 3:36
    Nakatutulong ang bakuna laban
    sa sakit at mga komplikasyon nito.
  • 3:37 - 3:41
    Noong 2014, ang pagkalat ng tigdas
    sa Southern Alberta at British Columbia,
  • 3:41 - 3:42
    at mga lugar na may
    mabababang imyunisasyon,
  • 3:42 - 3:45
    ay nagdulot ng dose-dosenang
    kumpirmadong kaso at daan-daang tibadbad
  • 3:45 - 3:47
    bago natapos.
  • 3:47 - 3:49
    Ikaw at ang iyong pamilya ay makatutulong
    na protektahan ang iyong anak.
  • 3:49 - 3:52
    Tiyaking ang mga taong nakapalibot sa
    inyo ay nakatatanggap ng regular na bakuna.
  • 3:52 - 3:55
    Sa paraang ito, nagkakaroon kayo ng
    mas matibay na sangga laban sa sakit.
  • 3:55 - 3:57
    Agam-agam ng ibang magulang
  • 3:57 - 4:00
    na ang bilang ng bakuna ay makasasama
    sa sistemang immuno ng kanilang mga anak,
  • 4:00 - 4:02
    subalit wala itong kongkretong ebidensya.
  • 4:02 - 4:05
    Ang ating sistemang immuno ay
    palaging nahaharap sa iba’t ibang hamon,
  • 4:05 - 4:06
    sa ating pang-araw-araw na buhay.
  • 4:06 - 4:07
    Ang paghantad sa bakuna
  • 4:07 - 4:10
    ay isa lamang sa mga hamong nararapat
    harapin ng sistemang immuno ng mga sanggol,
  • 4:10 - 4:12
    at madali nila itong nalalampasan.
  • 4:12 - 4:14
    Ang pangalawang epekto ng bakuna
  • 4:14 - 4:16
    tulad ng pansamantalang kirot,
    o mga sintomas ng trangkaso
  • 4:16 - 4:17
    ay hindi maikukumpara
  • 4:17 - 4:20
    sa masamang dulot ng hindi pagpapabakuna.
  • 4:20 - 4:23
    Malalalang reaksyon sa
    alerhiya buhat sa bakuna ay bihira
  • 4:23 - 4:26
    at agad na inuulat sa ahensiya ng
    pampublikong kalusugan sa Canada
  • 4:26 - 4:28
    upang agad na mabigyang solusyon.
  • 4:28 - 4:29
    Ano pa ba ang mayroon sa bakuna?
  • 4:29 - 4:32
    Mayroon ding ibang nilalaman ang bakuna,
  • 4:32 - 4:34
    kung saan lahat ay may nakatalagang layon.
  • 4:34 - 4:37
    Tumutulong itong gawing mas epektibo,
    mabilis, at matagal ang proteksyon ng bakuna,
  • 4:37 - 4:42
    ligtas sa kontaminasyon, at panatilihin ang kalidad habang nakaimbak anuman ang temperatura.
  • 4:42 - 4:45
    Kung susundin ang iskedyul ng
    imyunisasyon na ibinigay ng iyong doktor,
  • 4:45 - 4:48
    mananatiling malusog ang iyong anak
  • 4:48 - 4:51
    upang sila’y lumaki,
    matuto, at mabuhay ng tiwasay.
  • 4:51 - 4:53
    Pinababakunahan ko ang mga
    anak ko dahil alam ko ang tama.
  • 4:53 - 4:57
    At kung may pag-aalinlangan ka o mga katanungan, kausapin mo ang iyong doktor o nars.
  • 4:57 - 4:59
    Pakinggan mo ang kanilang
    sagot na batay sa siyensya medikal,
  • 4:59 - 5:00
    huwag mahiyang magtanong,
  • 5:00 - 5:02
    at unawain ang isinasaad
    ng siyentipikong pananaliksik.
Title:
Vaccine hesitancy
Description:

more » « less
Video Language:
English
Team:
Amplifying Voices
Project:
COVID-19 Pandemic
Duration:
05:17
Retired user edited Filipino subtitles for Vaccine hesitancy

Filipino subtitles

Revisions