Ano ang pinaka naka-mamanghang bagay
na maaari mong ibahagi sa amin
tungkol sa ating kalawakan?
Ang pinaka nakamamanghang bagay,
ay ang kaalaman
na ang mga atoms na
bumubuo sa buhay sa mundo
yung mga atoms na
bumubuo sa ating mga katawan
ay mababalikan natin sa mga bagay
na gumawa ng mga 'light elements'
na naging 'heavy elements' sa gitna ng mga bituin
sa gitna ng matinding mga kondisyon at temperatura,
Ang mga bituin na iyon,
yung mga bituing mas malalaki kaysa sa iba
ay unti unting nanghina
at gumuho't sumabog
at kinalat
ang kanilang mga elemento sa buong kalawakan,
mga elementong binubuo ng carbon,
nitrogen, oxygen
at lahat ng mahahalaga pang bagay
na kailangan para sa buhay
Ang mga elementong ito ay naging
parte ng mga gas clouds na
nag-condense, nag-collapse at bumuo
sa mga sumunod na henerasyon
ng mga solar systems
na mayroong mga bituing may mga umiikot na planeta,
at ngayon nasa mga planetang iyon
ang mga bagay o elementong mahalaga para sa buhay,
Kaya kapag ako'y tumitingin sa langit kapag gabi,
at alam ko na oo, parte tayo ng kalawakang ito,
na tayo'y nasa kalawakang ito,
pero ang mas importante pa sa dalawang ito
ay ang Kalawakan ay nasa sa atin.
Kapag naiisip ko iyon, tumitingin ako sa taas-
maraming taong nanliliit sa kanilang sarili dahil maliit sila at malaki ang kalawakan
pero nararamdaman kong ako'y malaki,
dahil ang aking mga atoms ay galing sa mga bituin na iyon.
Na mayroon kaming koneksyon.
At ayon ang gusto natin sa buhay, gusto nating
maramdaman ang koneksyon, gusto nating maging importante,
gusto nating maramdaman na tayo'y parte sa mga bagay
na nangyayari sa ating paligid.
Lahat tayong mga tao ay ganoon na nabubuhay lamang...