Stampy: Ano kaya ang ginagawa ni Stacy? Stacy: Wow, sa tingin ko nasa tamang lugar ako. Kahanga-hanga ito! Para akong bumalik sa Minecraft! Magandang araw. Kumusta ka? May tao ba dito? Oh, may gumagapang. Wala kang gagawin, di ba? Katie: Stacy? Stacy: Magandang araw, Katie? Katie: Oo! Maligayang Pagdating sa Minecraft. Stacy: Salamat! Katie: Halika! Stacy: Kamangha-mangha ito. Nagtatrabaho ka ba dito araw-araw bilang developer, di ba? Katie: Oo, nakagigilalas. Developer ako sa Minecraft marketplace team. Stacy: Ilang wika sa pagko-code ang alam mo? Katie: Sa aking karera baka gumamit ako ng mahigit sa isang dosena. Stacy: Isang dosena? Katie: Oo. Stacy: Ngayon, hindi mo ba nalalaman ang anuman sa maliit na golem na tao na tinatawag ang sarili nito na "ang Agent"? Katie: Ginagamit namin ang Agent upang gawin ang mga bagay na hindi maaaring gawin ni Steve o ni Alex tulad ng pagtawid sa lava. Stacy: Buweno, gusto kong matuto kung paano mag-code at gusto nilang matutong mag-code, kaya ano ang isa sa sa mga unang bagay na kailangan mong malaman kapag natututo ka? Katie: Buweno, kailangan mong matuto kung paano gumamit ng mga loop. Stacy: Okey. Katie: Ang mga loop ay mga bagay na sinusulat ng mga developer upang magbigay ng mga command sa isang computer na maaaring paandarin nang paulit-ulit. Stacy: Kuha ko na, sa tingin ko may ilan na darating sa mga paparating na lebel, kaya magpatuloy at subukan ang mga loop. Sa susunod na lebel, maaari mong gamitin ang isang loop upang pagalawin ang Agent sa isang daan. I-drag ang repeat block sa workspace at ilagay ang move forward block sa loob ng repeat block. Sinasabi nito sa computer na gawin ang parehong bagay ng maraming beses nang hindi kailangang i-drag ang buong palumpon ng mga block sa workspace. Maaari mong piliin kung ilang beses na uulit sa pamamagitan ng paglalagay ng isang numero sa repeat block. Maaari mong ilagay ang mga turn at multiple command sa repeat block din pero sa ngayon subukang gamitin ang repeat upang pagalawin ang Agent na pasulong ng ilang hakbang. Tandaan, kung natigil ka isang palaisipan maaari mong palaging tamaan ang asul na "reset" na buton at subukan muli. Kung naiisip mong magkaroon ng magandang trabaho ng tulad ng kay Katie, magpatuloy at pindutin ang "show code" na buton kapag natapos mo ang bawat lebel. Ipapakita niyan sa iyo ang Javascript code na ginagamit ng isang tulad ni Katie kapag siya'y nagpo-program ng Minecraft. Sa ano't ano man, maraming salamat! Katie: Oo, suwertehin kayong lahat.