Ang Internet: Cybersecurity at Krimen Magandang araw ako si Jenny Martin at ako ang direktor ng cyber security investigations sa Symantec. Sa ngayon nagdudulot ang cybercrime ng malalaking problema para sa lipunan nang personal, pinansiyal, at kahit na sa mga usapin ng pambansang seguridad. Noon lang nakaraang ilang taon daan-daang milyong numero ng credit card ay nanakaw, sampu-sampu ng milyon-milyong numero ng Social Security at rekord sa pangangalagang pangkalusugan ay nakompromiso, kahit na mga nuclear centrifuges na na-hack, at mga walang piloto na aerial drone ay na-hijack. Ginagawa ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mga bulnerabilidad sa hardware at software o mas madalas sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mga hindi sinasadyang desisyon na ginawa ng mga tao gamit ang software. Ang mga taong nakatuon sa mga cyber crime na ito ay walang iisang profile o motibasyon. Maaari itong sinuman mula sa isang internasyonal na terorista hanggang sa isang tinedyer na nakikipagpaligsahan para sa karapatan ng pagmamayabang. Sa ngayon ang mga pinakamalaking bansa hindi lang ang may regular na hukbo pero mayroon ding cyber na hukbo na armadong mabuti. Sa katunayan ang susunod na Digmaang Pandaigdig ay maaaring hindi paglalabanan gamit ang mga tradisyonal na armas, pero gamit ang mga computer na ginagamit sa pagsasara ng mga pambansang panustos sa tubig, grid ng enerhiya, at sistema ng transportasyon. Kumusta ako si Parisa at ako ang Google Security Princess. Nakapagtrabaho na ako sa maraming iba't ibang produkto at maraming iba't ibang paraan upang subukan at gawing ligtas hangga't maaari ang ating software. Ngayon tingnan natin kung paano gumagana ang cybercrime sa ilalim ng hood Matututo tayo tungkol sa mga virus ng software, atake na pagtanggi ng serbisyo, at phishing scam. Sa biolohiya at buhay, ang isang virus ay isang organismo na kumakalat sa pag-ubo, pagbahing o pisikal na kontak. Gumagana ang mga virus sa pamamagitan ng paglalagay ng impeksiyon sa mga selula, pag-iniksiyon ng kanilang materyal na henetiko, at paggamit sa mga selulang iyon upang mag-replicate. Magagawa nila ang mga tao na talagang magkasakit at saka ikalat sa iba pang tao. Gumagana ang computer virus sa katulad na paraan. Ang isang virus ay isang maipapatupad na program na nai-install, kadalasang hindi sinasadya, at pinipinsala ang gumagamit at kanilang computer. Posible rin na kumalat ang virus mismo sa iba pang computer. Ngayon paano muna nakakapasok ang virus sa computer mo? May dalawang paraan na maaaring bigyan ng impeksiyon ng isang umaatake ang computer ng isa. Pinapainan nila ang isang biktima upang i-install ang isang program na may panlilinlang tungkol sa layunin ng programa, kaya halimbawa maraming virus ay nagbabalatkayo bilang mga update sa seguridad. Posible rin na ang software sa computer mo ay may bulnerabilidad para mai-install ng umaatake ang sarili nito nang hindi kinakailangan ang hayagang permiso. Sa sandaling nasa computer mo ang virus maaari nitong nakawin o tanggalin ang anuman sa mga file mo, kontrolin ang iba pang program, o kahit hayaan ang isa na kontrolin nang malayuan ang computer mo. Gamit ang mga computer virus, maaaring kunin ng mga hacker ang mahigit milyong computer sa buong mundo at saka gamitin sila bilang isang digital na hukbo, kilala sa ibang pagkakataon bilang isang botnet, upang atakehin at alisin ang mga website. Ang uring ito ng atake ay tinatawag na ipinamahaging pagtanggi ng serbisyo. Ang isang pagtanggi ng serbisyo ay kapag kinaya ng mga hacker ang isang website gamit ang napakaraming hiling. Tinatawag namin itong ipinamahaging pagtanggi-ng-serbisyo kapag nanggagaling ang atake sa maraming computer nang minsanan. Karamihan sa mga website ay handang tumugon sa mga milyong hiling kada araw, pero patamaan mo sila ng bilyon o trilyong hiling, na nanggagaling sa iba't ibang lugar, ang mga computer ay nao-overload at tumitigil sa pagtugon. Isa pang pandaraya na ginagamit ng mga cybercriminal ay ipadala ang malaking bilang ng spam email sa pagtatangka na lokohin ang mga tao na magbahagi ng sensitibong personal na impormasyon. Ito ang tinatawag na phishing scam. Ang isang phishing scam ay kapag nakatanggap ka ng tila mapagkakatiwalaang email na hinihingian ka na mag-log in sa account mo, pero sa pagpindot sa email ang nagdadala sa iyo sa isang pekeng website. Kung nag-log in ka sa anumang paraan naloko ka sa pagbibigay ng password mo. Maaari na gamitin ng mga hacker ang mga login credential mo upang i-access ang mga totoong account mo upang nakawin ang impormasyon o malamang kahit na nakawin ang pera mo. Sa kabutihang palad may napakaraming kompanya, batas at organisasyon sa pamahalaan na nagtatrabaho upang gawin ang internet na mas ligtas, pero ang mga pagsisikap na ito ay hindi sapat. Maaari mong isipin na kapag ang sistema ng computer ay na-hack ang problema ay ang disenyo ng seguridad o ang software. Siyamnapug porsiyento ng oras na na-hack ang sistema gayunpaman, ay hindi dahil sa security bug, pero dahil sa isang simpleng pagkakamali na gawa ng isang tao. Lumalabas na may mga hakbang na maaari nating gamiting lahat upang protektahan ang ating sarili. Madalas na ang mga aksiyon mo hindi lang inaapektuhan ang seguridad ng sarili mong datos at computer, pero ang seguridad ng lahat sa paaralan mo, lugar ng trabaho, at bahay. Sa bilyon-bilyon o triyon-trilyon na dolyar ang nakataya nagiging mas matalino ang mga cybercriminal bawat taon at lahat tayo ay kailangang umalinsabay.