1 00:00:01,060 --> 00:00:07,091 Sulat ng Pag-ibig para sa Sundalo 2 00:00:22,022 --> 00:00:24,074 Mahal kong Samsul 3 00:00:24,074 --> 00:00:32,000 Samsul, sinulatan kita ng dalawang beses pero hindi ka sumagot. 4 00:00:32,010 --> 00:00:40,060 Sa tulong ng video letter na ito, sana makita mo ang iyong anak at mahimuk kang sumagot. 5 00:00:48,054 --> 00:00:56,050 Dinala ko ang video letter na ito galing pa sa Bupul papuntang Merauke para mapanood mo. 6 00:00:58,069 --> 00:01:04,020 Samsul, nakatira pa rin ako sa Bupul kasama sa Nanay at Tatay. 7 00:01:05,002 --> 00:01:09,080 Walang nagbago sa Bupul. Sariwa pa rin ang hangin 8 00:01:10,024 --> 00:01:14,034 Hanggang ngayon wala pa ring kuryente at telepono. 9 00:01:21,029 --> 00:01:27,055 Papunta ng Merauke, marami kaming dinaanan na mga border security posts. 10 00:01:28,057 --> 00:01:32,055 Yung poste ng TNI na dating malapit sa Maro River tulay 11 00:01:32,055 --> 00:01:36,065 nilapat na malapit sa opisina ng Eligobel District. 12 00:01:43,074 --> 00:01:51,008 Alam mo naman na mahirap ang biyahe galing Bupul papuntang Merauke, 13 00:01:54,007 --> 00:01:56,038 tumatagal ng 4 hanggang 5 na oras. 14 00:02:00,014 --> 00:02:07,032 Samsul, nangungulila ako sa iyo. 15 00:02:07,032 --> 00:02:09,053 Pagkatapos mo akong iwanan -- nung ikalimang buwan ng pagbubuntis ko 16 00:02:11,009 --> 00:02:16,041 - humirap ang buhay ko. 17 00:02:17,028 --> 00:02:27,025 Maraming nagtatanong kung sino ang ama ng anak ko. 18 00:02:30,019 --> 00:02:33,056 Yung nakakaalam na sundalo ng TNI ang ama nya tinatawag siyang 'army brat'. 19 00:02:33,056 --> 00:02:37,059 Minsan kapag nagaalboroto si Yani, 20 00:02:37,059 --> 00:02:45,001 sumisumiklab sina Nanay at Tatay at sinasabi sa kanya 21 00:02:57,084 --> 00:03:05,049 "Yung Tatay mo alam lang gumawa ng bata pero di ka naman pinanagutan!" 22 00:03:05,049 --> 00:03:08,063 Madalas tahimik ko na lang tinatanggap yung mga masakit na pananalita ng nila. 23 00:03:09,012 --> 00:03:16,034 Samsul, naalala mo pa ba nung nagkakila tayo nung 2008? 24 00:03:23,037 --> 00:03:28,086 Napakabait at magalang mo. 25 00:03:29,012 --> 00:03:32,072 Bumibisita ka sa bahay namin, parating may dalang biskwit, Energen at gatas. 26 00:03:33,012 --> 00:03:36,061 Bumisita araw-araw hanggang sinagot kita. 27 00:03:37,049 --> 00:03:42,037 Nasa high school pa lang ako nun. 28 00:03:43,052 --> 00:03:50,016 Akala ko magpapakasal tayo. 29 00:03:54,005 --> 00:04:02,080 Pero umalis ka papuntang Bandung nung Nobyembre 2008 nung ikalimang buwan ng pagbubuntis ko. 30 00:04:03,032 --> 00:04:05,066 Sumumpa ka na lilipat ka ng Merauke at nakiusap ka ng alaagan ko muna ang ating anak. 31 00:04:06,092 --> 00:04:12,056 Pinanganak si Anita Mariani nung 17 Marso 2009 sa Bupul. 32 00:04:13,010 --> 00:04:20,015 Tinatawag ko syang Yani. 33 00:05:03,017 --> 00:05:07,001 Malaki na si Yani. Tatlong taong gulang na sya. 34 00:05:07,029 --> 00:05:14,092 Gusto nyang mag-aral para maging kapaki-pakinabang sa ating bansa. 35 00:05:15,090 --> 00:05:23,007 Samsul, tumatanda na sila Nanay at Tatay. 36 00:05:23,070 --> 00:05:29,063 Hindi na nila kayang magtrabaho para suportahan ang anak natin. 37 00:05:30,054 --> 00:05:38,087 Nahihirapan akong maghanap ng trabaho dahil kailangan kong alagaan si Yani. 38 00:05:39,092 --> 00:05:46,023 Pero nagsisikap pa rin ako para masuportahan ang anak natin. 39 00:05:48,034 --> 00:05:53,030 Kung bumalik ka, syempre tatanggapin kita ng buo sa loob ko. 40 00:05:54,001 --> 00:05:56,041 Iintayin pa rin kita, Samsul. 41 00:05:59,085 --> 00:06:08,081 Wala akong pakialam kung anong sinasabi ng iba. 42 00:06:09,001 --> 00:06:14,026 Pag-ibig galing Bupul at Merauke, 21 Nobyembre 2011. 43 00:06:14,072 --> 00:06:22,098 Maria Goreti Mekiw