1 00:00:00,000 --> 00:00:04,000 Ito ang mismong pangyayari 2 00:00:04,000 --> 00:00:09,000 nang naisip kong lumikha ng tinatawag na Tinkering School. 3 00:00:09,000 --> 00:00:13,000 Ang Tinkering School ay isang lugar kung saan ang mga bata ay maaaring gumamit ng tingting na kahoy 4 00:00:13,000 --> 00:00:17,000 at martilyo at iba pang mapanganib na bagay, 5 00:00:17,000 --> 00:00:19,000 at mapagkatiwalaan. 6 00:00:19,000 --> 00:00:21,000 Pinagkakatiwalaan na hindi sasaktan ang sarili, 7 00:00:21,000 --> 00:00:25,000 at pinagkakatiwalaang hindi makakasakit ng iba. 8 00:00:25,000 --> 00:00:28,000 Walang sinusundang curriculum ang Tinkering School, 9 00:00:28,000 --> 00:00:30,000 at walang mga pagsusulit. 10 00:00:30,000 --> 00:00:34,000 Wala kaming sinusubukang ituro na anumang partikular na bagay. 11 00:00:34,000 --> 00:00:37,000 Pagdating ng mga bata 12 00:00:37,000 --> 00:00:39,000 nakatambad ang iba't ibang klase ng kagamitan: 13 00:00:39,000 --> 00:00:43,000 mga kahoy at pako at lubid at gulong, 14 00:00:43,000 --> 00:00:48,000 at maraming kasangkapan, mga totoong kagamitan. 15 00:00:48,000 --> 00:00:53,000 Ito ay isang karanasan para sa mga bata sa loob ng anim na araw. 16 00:00:53,000 --> 00:00:57,000 Sa ganitong paraan, nabibigyan namin ang mga bata ng panahon -- 17 00:00:57,000 --> 00:01:00,000 isang bagay na tila kulang na ngayon 18 00:01:00,000 --> 00:01:03,000 dahil sa dami ng kanilang gawain. 19 00:01:03,000 --> 00:01:06,000 Layunin namin na sa pag-alis nila 20 00:01:06,000 --> 00:01:08,000 lumawak ang kanilang pag-unawa sa paggawa 21 00:01:08,000 --> 00:01:11,000 higit pa sa noong sila'y unang dumating, 22 00:01:11,000 --> 00:01:14,000 at ang pagtanto 23 00:01:14,000 --> 00:01:18,000 na may kaalamang nakukuha sa pamamagitan ng pagkalikot. 24 00:01:18,000 --> 00:01:23,000 Gayunman ... walang bagay na natutupad ayon sa napagplanuhan. 25 00:01:23,000 --> 00:01:25,000 (Tawanan) 26 00:01:25,000 --> 00:01:27,000 At maaga nilang natututunan 27 00:01:27,000 --> 00:01:31,000 na lahat ng proyekto ay nabubulilyaso -- 28 00:01:31,000 --> 00:01:32,000 (Tawanan) 29 00:01:32,000 --> 00:01:34,000 at madaling nilang natatanggap na bawat hakbang 30 00:01:34,000 --> 00:01:37,000 sa isang proyekto ay hakbang tungo 31 00:01:37,000 --> 00:01:40,000 sa matamis na tagumpay, 32 00:01:40,000 --> 00:01:44,000 o sa nakakatuwang kasawiangpalad. 33 00:01:44,000 --> 00:01:48,000 Nagsisimula kami mula sa mga doodles at pagguhit. 34 00:01:48,000 --> 00:01:51,000 At minsan gumagawa kami ng totoong disenyo. 35 00:01:51,000 --> 00:01:55,000 At minsan agad kaming nagbubuo. 36 00:01:55,000 --> 00:01:58,000 Ang paggawa ay nasa puso ng karanasang ito: 37 00:01:58,000 --> 00:02:01,000 gawa ng sariling kamay, 38 00:02:01,000 --> 00:02:05,000 at ganap na nakatutok sa napiling suliranin. 39 00:02:05,000 --> 00:02:08,000 Kami ni Robin, bilang katuwang at katulong, 40 00:02:08,000 --> 00:02:10,000 sinisiguro namin na ang direksyon ng mga proyekto 41 00:02:10,000 --> 00:02:13,000 ay upang matapos ito. 42 00:02:13,000 --> 00:02:16,000 Ang tagumpay ay nasa paggawa, 43 00:02:16,000 --> 00:02:19,000 at ang pagkabigo ay pinagdiriwang at sinisiyasat. 44 00:02:19,000 --> 00:02:22,000 Ang mga suliranin ay nagiging palaisipan 45 00:02:22,000 --> 00:02:26,000 at nawawala ang mga balakid. 46 00:02:26,000 --> 00:02:28,000 Kapag nahaharap sa matinding 47 00:02:28,000 --> 00:02:30,000 dagok o sa masalimuot na balakid, 48 00:02:30,000 --> 00:02:35,000 isang nakakatuwang ugali ang kusang lumalabas: paglalagay ng dekorasyon. 49 00:02:35,000 --> 00:02:38,000 (Tawanan) 50 00:02:38,000 --> 00:02:40,000 Ang pagpapalamuti sa proyektong hindi natapos 51 00:02:40,000 --> 00:02:44,000 ay gaya ng isang limliman ng mga konsepto. 52 00:02:44,000 --> 00:02:47,000 Sa paghinto nagmumula ang mga bagong pananaw 53 00:02:47,000 --> 00:02:50,000 at kahanga-hangang pamamaraan sa paglutas ng mga suliranin 54 00:02:50,000 --> 00:02:55,000 na dati'y humahadlang sa kanila. 55 00:02:55,000 --> 00:03:00,000 Lahat ng materyales ay maaring gamitin. 56 00:03:00,000 --> 00:03:06,000 Kahit pa ang mga nakamumuhing plastik pang-grocery 57 00:03:06,000 --> 00:03:08,000 ay maaaring maging isang tulay 58 00:03:08,000 --> 00:03:12,000 na mas malakas pa kaysa sa inakala. 59 00:03:12,000 --> 00:03:15,000 At kahit sila mismo ay napapahanga 60 00:03:15,000 --> 00:03:18,000 sa mga bagay na binuo nila. 61 00:03:18,000 --> 00:03:22,000 Bidyo: Tatlo, dalawa, isa, go! 62 00:03:29,000 --> 00:03:33,000 Gever Tulley: Isang rollercoaster na binuo ng mga batang pitong-taon gulang. 63 00:03:33,000 --> 00:03:36,000 Bidyo: Yay! 64 00:03:36,000 --> 00:03:38,000 (Palakpakan) 65 00:03:38,000 --> 00:03:41,000 GT: Salamat. Ako'y tunay na nagagalak. 66 00:03:41,000 --> 00:03:47,000 (Palakpakan)