YouTube

Teniu un compte YouTube?

New: enable viewer-created translations and captions on your YouTube channel!

Filipino subtítols

← Expedition Reef for Educators | California Academy of Sciences

Obtén el codi d'incrustació
18 llengües

Showing Revision 7 created 06/14/2019 by lam_jen.

  1. (natural na tunog)
  2. Ang mga bahura ay nagbibigay
    kulay sa ating mundo.
  3. Naaakit tayo sa kanilang ganda.
  4. Namamangha tayo
    sa kanilang pagkakaiba-iba.
  5. Gumagawa tayo ng mga aquarium
    para ipakita ang yaman na ito.
  6. Ngunit ang kanilang halaga
    ay nananatili sa kalikasan.
  7. ♪ (malumanay na tugtugin) ♪
  8. Dito sa Pilipinas, malapit sa Devil's Point,
  9. sumisid tayo sa isa
    sa pinaka-diverse ecosystem sa mundo--
  10. isang ecosystem na gumagamit
    ng enerhiya ng araw
  11. sa pamamagitan ng natatanging
    pagtutulungan ng hayop at algae.
  12. Isang systema na sumusuporta
    sa libo-libong mga species
  13. sa pamamagitan ng matipid na paggamit
    ng limitadong sustansya
  14. Sa isang maliit na sulok, makikita natin
    ang maraming organismo,
  15. na may mga kumplikadong koneksyon.
  16. Ang moray eel na ito ay tinutulungan
    ng kanyang mga kaibigan--
  17. isang dental exam mula sa cleaner shrimp
    at cleaner wrasse fish.
  18. Kinakain nila ang mga parasite na
    maaaring magdulot ng sakit sa moray eel.
  19. Isang matagumpay na
    mutualistic relationship.
  20. Ngunit hindi lahat ng pakikipag-ugnayan
    ay maayos.
  21. Kinakain ng isang crown-of-thorns
    starfish
    ang coral,
  22. hanggang puting kalansay
    na lang ang naiiwan.
  23. Matagumpay ang isang Trapezia crab
    sa pagtanggol ng kanyang bahay
  24. laban sa mas malaking hayop.
  25. At isang makulay na nudibranch
  26. ay kumakain ng mga sponge
    na tumutubo sa bahura.
  27. Ang kulay nito ay babala
    sa mga kalaban na lumayo--
  28. nakakalason ang nudibranch dahil
    sa mga kemikal na kinakain nito.
  29. Nakikita natin ang mga species
    na ito at marami pang iba,
  30. ngunit hindi natin nakikita
    ang mga relasyon
  31. na nag-uugnay sa bawat isa.
  32. At ang pinakamahalaga, lahat sila
    ay bahagi ng isang food web,
  33. patong-patong na koneksyon ng mga
    producers at consumers,
  34. mga predator at prey.
  35. Kasama rin sa food web na ito
    ang mga tao.
  36. Sinusuportahan ng mga bahura
  37. ang mga pinaka-komplikadong
    food webs sa buong mundo.
  38. Bakit natatangi ang mga lugar na ito?
  39. Umalis muna tayo sa Pilipinas
  40. para humanap ng iba pang bahura
    sa mundo.
  41. Bagama't tinataguyod ng mga bahura
    ang 25% ng mga hayop sa dagat,
  42. Mas maliit sa 1% lamang ng buong
    karagatan ang nasasakop nito.
  43. Ang mga bahura ay lumalago
    sa mga parte ng mundo
  44. kung saan nakararami
    ang sikat ng araw.
  45. Hinahati ng equator ang ating planeta
  46. sa hilaga at timog emisperyo,
  47. at ang rehiyon na nakapalibot sa equator--
    ang tropics
  48. ay nakakatanggap ng sikat ng araw
    sa buong taon.
  49. Ang mga bahura ay isang-katlo
    ng mga tropical coastline.
  50. Ang parte na ito ng mundo ang nakakatangap
    ng pinakamaraming enerhiya
  51. mula sa ating bituin, ang Araw.
  52. Ang enerhiya na ito ang bumubuhay
    ng mga food web ng bahura
  53. at tinataguyod ang pambihirang kaibhan
    ng mga ecosystem dito.
  54. Ang mga bahura ang pinakamalaking
    struktura na gawa ng mga hayop
  55. at ito'y gawa sa tatlong
    pangunahing porma:
  56. barrier reefs, fringing reefs at atolls.
  57. Ang Great Barrier Reef ng Australia
    ang pinakamalaki sa mundo.
  58. Sinusundan ng barrier reef
    ang baybayin,
  59. na may mga lagoon na humahati
    sa bahura mula sa aplaya.
  60. Dito sa Curacao, lagpas lamang
    sa baybayin ng Timog Amerika,
  61. makikita natin ang isang fringing reef,
    na umuusbong mula sa baybayin,
  62. na gumagawa ng hangganan
    sa gilid ng aplaya.
  63. At ito naman ang Ant Atoll
    sa kanlurang ng Dagat Pasipiko.
  64. Nagkakaroon ng atoll kapag lumubog
    ang isang bulkang isla sa dagat,
  65. at nag-iiwan ng mga coral sa palibot nito.
  66. Lahat ng bahurang ito ay gawa
    ng mga hayop
  67. na kumukuha ng lakas mula sa Araw
    para makagawa ng bato mula sa tubig.
  68. Ang bahurang ito sa Pilipinas
    ay may iba't ibang klaseng coral.
  69. Mga malalambot na klase ng coral
    ay madalas na matatagpuan rito,
  70. ngunit ang matitigas na coral
    ang bumubuo ng mga bahura.
  71. At ginagawa na ito ng mga hayop
    nang mahigit daang milyong taon!
  72. Para maintindihan natin kung paano
    ginagawa ng mga coral ang bahura,
  73. kailangan natin makita
    kung paano sila mamuhay.
  74. Ang bawat coral ay binubuo ng grupo
    ng mga malilit na hayop
  75. na ang tawag ay coral polyps.
  76. At tulad ng lahat ng hayop,
    sila'y kumakain.
  77. Hinuhuli ng isang polyp
    ang kanyang prey.
  78. Katulad ng kamandag ng dikya,
    na kamag-anak nito
  79. tinutusok ng coral ang kanilang pagkain
  80. ng maliliit na pangkawit
    mula sa mga "tentacle* nito.
  81. Hinihila ng polyp ang copepod
    papunta sa bibig nito para tunawin.
  82. Ang mga pagkaing ito ay mahalagang
    pinanggagalingan ng enerhiya.
  83. Ngunit karamihan ng enerhiya ng coral
    ay nangagaling sa ibang lugar.
  84. Kinakailangan nating pagmasdan ng mabuti
    para makita ito.
  85. Ang mga layers sa loob ng tissue
    ng polyp ay tahanan ng mga algae
  86. na kung tawagin ay zooxanthellae.
  87. Ang mga alage na ito ang nagbibigay
    ng kulay sa coral
  88. at ang pinakamahalaga papel nito ay
    ang paggamit ng ilaw ng Araw
  89. sa pamamagitan ng proseso
    na photosynthesis.
  90. Ang algae na nakatira sa loob ng coral
    ay gumagamit ng sinag ng araw
  91. para gumawa ng asukal at amino acids
    na puno na enerhiya.
  92. Ang mga coral ay nakakakuha ng
    90 porsyento ng enerhiya mula rito.
  93. Bilang kapalit, ang algae ay umaasa
    sa dumi ng polyps
  94. bilang pagkukuhanan ng nutrients.
  95. Ang recycling na ito ang nagpapalago
    ng coral sa mga dagat na tropikal
  96. kung saan mahirap makakuha ng
    mga nutrients
  97. dahil sa matinding kompetisyon
  98. Pumasok tayo sa loob ng polyp
    para makita natin
  99. kung paano ito nakakatulong
    bumuo ng bahura.
  100. Ito'y kumukuha ng karbon mula sa algae
    at sa tubig dagat,
  101. at ginagawang calcium carbonate.
  102. Tuwing ika'y humihinga,
    nilalabas mo ang carbon dioxide--
  103. ginagawa rin ito ng lahat ng hayop,
    pati na rin ang mga coral.
  104. Ngunit ang kanilang karbon
    ay sumasanib sa calcium mula sa karagatan
  105. para makagawa ng calcium carbonate.
  106. Ginagamit ng mga coral
    ang chalky compound na ito
  107. para gumawa ng kanilang kalansay.
  108. Tumutulak ang matitigas na polyps
    mula sa lupa kung saan sila nakatira,
  109. at pinupuno ang mga siwang
    ng calcium carbonate.
  110. Sa pagulit-ulit ng prosesong ito,
  111. nakakatulong sila makabuo
    ng malaking bahura.
  112. Ang mga coral ay kayang bumuo ng bahura
    sa bilis na iilang sentimetro kada taon.
  113. Sa pagpapabilis ng oras,
  114. pwede nating makita ang paglago
    ng isang komunidad ng coral,
  115. habang ang bawat isa ay nakikipaglaban
    para sa pagkain sa bahura.
  116. Ang mabagal na proseso na ito
    ay maaaring magtuloy-tuloy
  117. ng matagal na panahon.
  118. Ang ilang struktura sa bahura
    ay ilang siglo na ang tanda.
  119. Ang agos ng karagatan
    at iba pang kadahilanan
  120. ay maaaring magbago ng hugis
    ng mga coral.
  121. Ang isang species ay may
    iba't-bang hugis
  122. depende sa lakas ng agos
    ng nakapaligid na karagatan.
  123. Ang katangiang ito
    ay tinatawag na plasticity.
  124. Ang pagresponde ng mga coral
    sa kanilang kapaligiran
  125. ay nakakatulong sa kanilang pag-adapt
    sa mga pagbabago ng mundo.
  126. At habang tayo ay pamilyar na
    sa mga makukulay at mababaw na bahura
  127. na atin nang napuntahan,
  128. alam natin na ang mga bahura
    ay umaabot sa kailaliman ng karagatan.
  129. Pinagaaralan ng mga explorers mula sa
    California Academy of Sciences
  130. ang mga malalalim na bahura na ito
  131. sa isang rehiyon na pinagngalanang,
    The Twilight Zone.
  132. Di tulad ng mga mababaw na bahura,
  133. ang mga coral dito ay nabubuhay
    kahit kaunting ilaw.
  134. Dahil sa limitadong enerhiya mula sa araw,
  135. mas maraming kinakain ang mga coral dito,
  136. kumakain ng mga malilit na hayop
    na nagtatago mula sa mga mandaragit.
  137. Ang plasticity ng mga coral
    ay nakakatulong sa madilim na kapaligiran.
  138. Ilang species ang gumagamit ng mga pigment
    na pang-sunblock sa taas
  139. upang maging fluorescent
    sa malalalim na lugar.
  140. Ginagamit ng mga pigment
    ang mahinang ilaw bilang kulay
  141. na ginagamit ng mga algae
    para sa photosynthesis.
  142. Ang mga siyentipiko ay bumababa
  143. ng higit na limang beses na mas malalim
    sa mga scuba diver para pag-aralan
  144. ang mga bihirang nakikita na
    mga bahura na ito.
  145. Ang bawat dalaw ay nagdudulot
    ng mga bagong tuklas.
  146. Tulad ng mga benthic ctenophores.
  147. Ang mga malalagkit na jellies
    ay kumakapit sa mga inabandonang tali,
  148. na may mga mahahabang tentacles
    para makakuha ng kanilang prey
  149. at hilahin ang mga ito ng mabilis.
  150. Ang bawat expedition
    ay nagbibigay ng mga bakas
  151. sa pag-conserve at pag-restore
    ng mga ecosystems na ito.
  152. Malalim man o mababaw,
  153. ang mga bahurang ito ay nananahan
    sa isang malawak na karagatan.
  154. Sila ay konektado sa isa't isa
    ng heyograpiya ng karagatan
  155. at ng agos na dumadaan dito.
  156. Ang mga coral ay lumilipat
    sa pamamagitan ng agos ng karagatan
  157. na nagdadala ng mga itlog at larvae
    sa mga bagong tahanan,
  158. pinagyayaman ang mga bahura
    na nadaraanan ng mga ito.
  159. Konektado rin ang sangkatauhan
    sa mundong ito.
  160. Tulad ng mga coral na umaasa
    sa mga algae para mabuhay,
  161. ang mga tao ay umaasa naman
    sa mga bahura.
  162. Halos kalahating bilyonng tao
    ay umaasa sa mga ito
  163. para sa pagkain at ikabubuhay.
  164. Karamihan ay natutunan nang
    kumuha ng yaman mula sa mga bahura
  165. na umaagapay sa paglago
    at pangangalaga ng mga ecosystems nito.
  166. Ngunit hindi lamang pagkain
    ang naibibigay ng mga bahura.
  167. Nagbibigay din sila ng proteksyon.
  168. Matitinding bagyo ay namumuo
    mula sa tropikal na karagatan
  169. na paminsan ay nakakagawa
    ng malubhang pinsala kapag bumaba sa lupa.
  170. Noong 2017, ang bagyong Debbie
    ay tumama sa hilagang-silangang Australia,
  171. na kita dito sa mga satellite image.
  172. Nasundan ng mga satellite na ito
    ang maraming bagyo
  173. sa iba't ibang panahon,
  174. kaya maaari nating bilisan ang oras
    para makita kung paano sila gumalaw.
  175. Ang makakapal na linya ay nagpapakita
    ng mga malalakas ng bagyo.
  176. Pinoprotektahan ng mga malulusog na bahura
    ang lupa mula sa malubhang pinsalang dulot
  177. ng mga bagyong ito.
  178. Nakikita natin dito
    ang Meso-American Barrier Reef,
  179. ang pinakamalaking bahura
    sa Dagat Atlantiko.
  180. Nung tumama ang Bagyong Dean
    sa Yucatan Peninsula sa Mehiko noong 2007,
  181. nagsilbing panangga ang bahura.
  182. Gumawa ang mga siyentipiko
    ng isang computer simulation
  183. para maintindihan paano ito nagaganap.
  184. Pinahihina ng mga bahura
    ang enerhiya mula sa mga alon
  185. pinababa ang alon
    at pinababagal ang takbo ng tubig
  186. bago ito tumama sa baybayin.
  187. Pinoprotektahan ng mga bahura
    ang daang milyong tao
  188. na naninirahan sa mga baybayin.
  189. Kailangan nating siguruhin ang kalusugan
    ng mga bahura
  190. para mahuha ang benepisyo dito.
  191. Dito sa Carribean, ang mga bahura
    ay matagal nang nagdurusa
  192. mula sa ilang dekada
    ng sobrang pangingisda.
  193. Malaki ang naging epekto
    ng mga tao sa bahura sa buong mundo.
  194. Ang mga gawaing pag-unlad sa lupa
    ay dumadaloy sa karagatan
  195. na nakakasakal sa mga bahura,
  196. at mga duming tulad ng plastik
    at mga gamot sa peste
  197. ay nagpapalala ng problema.
  198. Dagdag pa sa mga lokal na hamon,
    ang mga bahura ay nakakatanggap
  199. ng pandaigdigang banta.
  200. Ang pagtaas ng temperatura ng dagat
    at ocean acidification
  201. ay inilalagay ang bahura sa panganib.
  202. Ang pagsunog ng karbon, krudo,
    at mga fossil fuels
  203. ay naglalabas ng carbon dioxide
    sa ating kapaligiran,
  204. na nagpapainit ng mundo,
    kasama ang mga karagatan.
  205. Ang mababaw na bahura ng Carribean
    ay mas mabilis na umiinit
  206. kaysa ang kailaliman ng karagatan,
  207. kaya mas nararamdaman ng mga bahura dito
    ang epekto ng pag-init ng karagatan.
  208. Bisitahin naman natin ang fringing reef
    ng Curacao
  209. kung saan natin makikita ang epekto
  210. at matutunan kung anong mga ginagawa
    ng mga siyentipiko
  211. upang siguruhin ang kaligtasan
    ng mga bahura.
  212. Ang mga mabababaw na bahura
    ay sensitibo sa pagbabago ng temperatura.
  213. Ang pag-init ng dagat ay nagdudulot
    ng coral bleaching--
  214. kung saan ang isang buong kolonya
    ng mga polyps ay nawawalan ng kulay.
  215. Ating bisitahin ang isang polyp
    para makita kung paano ito nagaganap.
  216. ♪ (marahang tugtog) ♪
  217. Sobrang ilaw o init ang sanhi
    para magpakawala ang mga algae
  218. ng mga kemikal na nakakasira sa coral.
  219. Ang stressed na coral ay inilalabas
    ang mga algae,
  220. at sinasakripisyo nito ang kanilang
    pangunahing pinaggagalingan ng enerhiya,
  221. tulad ng isang overractive immune system.
  222. Dahil nawawala ang natural ng kulay
    ng mga coral kapag nawala ang algae,
  223. tinatawag natin itong coral bleaching.
  224. May sakit ang mga bleached na coral
    ngunit hindi ito patay.
  225. Maaaring bumalik ang mga algae
    sa mga coral na bleached
  226. kung mabilis na maayos
    ang kondisyon ng karagatan.
  227. Kaya ang mga bleached na bahura
    ay pwedeng lumago muli.
  228. May ilang mga coral na nakakayanang
    labanan ang bleaching.
  229. Itong mga nakaligtas, mga hayop or algae
    o kombinasyon ng dalawa
  230. ay maaaring makatulong
    sa mahihinang coral.
  231. Ngunit ang pagbawi ng mga ito
    ay matagal,
  232. mas matagal kapag pinabagal
    ng ocean acidification--
  233. isang by-product
    ng sobrang carbon dioxide sa kapaligiran.
  234. Maaaaring tumagal ng taon o dekada
    para makabawi ang mga bahura,
  235. kaya kailangan natin makahanap ng paraan
    para mapabilis ang kanila pagbawi.
  236. Ating tingnan ang coral reef ecosystem
    sa ibang paraan.
  237. Bawat specie ay may dala
    na genetic code--
  238. isang molecular book of instructions
    na nagkakaiba sa bawat isang indibidwal.
  239. Ang ilang passages ay nagbibigay
    ng survival strategies
  240. para sa nagbabagong mundo.
  241. Kapag nagpaparami ang mga hayop,
    binabahagi nila ang mga panuntunan
  242. na maaaring magkaroon
    ng mas mapalad na supling.
  243. Ang bawat indibidwal na nawawala
    ay isang parte ng genetic library
  244. na nawawala magpakailanman.
  245. Ito ang dahilan kung bakit importante
    ang pagmaintain ng diversity
  246. ng mga specie.
  247. Para dumami, ang mga coral ay naglalabas
    ng genetic material sa kapaligiran
  248. lalo na sa gabi.
  249. At dahil ang mga coral
    ay di pweding maghalo para dumami,
  250. hinahayaan nila ang agos ng dagat
    para gawin ang pagkalat ng kanilang lahi.
  251. Ang spawning event ay maaaring mangyari
    ng sabay-sabay sa iba't ibang specie
  252. sa kahabaan ng bahura.
  253. Nararamdaman ng mga coral
    ang mga pagbabago sa araw
  254. at temperatura ng tubig,
  255. kahit ang ilaw mula sa bilugang buwan.
  256. Ang mga ito ay nagbibigay ng senyales
    para magpakawala ng mga itlog at sperm
  257. na lumulutang pataas,
    at sumasama sa agos.
  258. Ang mga fertilized na itlog
    ay nagiging mga malayang larvae
  259. na kinalaunan ay maninirahan
    sa isang lugar at lalago bilang polyps.
  260. Ang mga siyentipiko ay naghahanap
    ng mga kaparaanan
  261. upang tulungan ang mga coral
    na matagumpay na dumami
  262. nang isang libong beses.
  263. Sinasagip nila ang mga fertilized eggs
    mula sa mga mandaragit
  264. at inaalagaan ang mga larvae
    sa laboratoryo bago sila ibalik sa dagat.
  265. Itong mala-tasang pyramid ay tahanan
    ng maliliit na kolonya ng coral,
  266. na nagsimula sa isang matatag na polyp.
  267. Ang mga polyp ay mahahati at lalago,
  268. at gagawa ng panibagong tirahan
    sa karagatan.
  269. Tulad ng paghikayat
    ng paglago sa kagubatan,
  270. ang mga siyentipiko ay nagpupunla
    ng milyong mga matitibay na coral
  271. sa mga overstressed na bahura.
  272. Binisita lamang natin ang ilang ecosystem
    na puno ng mga coral.
  273. Ngunit sa mga lugar na ito, at iba pa,
  274. nais nating matuklasan ang mga sikreto
    para sa kaligtasan ng mga bahura.
  275. Ang kanilang kaligtasan ay nangangahulugan
    na tayo ay makikinabang
  276. sa kanilang proteksyon, kasaganahan,
    at sa kanilang kagandahan.
  277. Sa tulong natin, ang susunod na henerasyon
    ng mga coral ay patuloy na kukulayan
  278. ang ating mundo.
  279. ♪ (malumanay na tugtugin) ♪