Ako ay isang introvert...at gusto ko ito.
At hindi ako nag iisa.
Ang mga introverts ay nasa paligid lang
at ang aming mapayapang pananaw sa buhay,
ang aming pangangailangan sa katahimikan
ay hindi isang kasalanan.
Ito ay biyaya.
Subalit, bilang introbert, hindi madali
maunawaan kuung gaano ka nakakamangha.
Ang mundo ay parang isang lugar
na kinikilala ang mga extroverts.
Kung saan ang pagiging maingay
ay pagkakaroon ng tiwala sa sarili
at pagiging masaya.
Kung saan lahat ay may gustong sabihin
ngunit walang nakikinig.
Bilang isang bata,
ako ay lagi na lang sa gilid.
Maraming nag iisip na wala akong sasabihin
o ayoko sa ibang tao
pero hindi ito totoo.
Minsan ang tingin ng mga tao ang mga
introverts ay mahiyain o ayaw makisama.