Ako ay isang introvert... at gusto ko ito Hindi ako nag-iisa Kahit saan ay may introvert at ang ating paraan ng pamumuhay ang pangangailangan ng oras para mapag-isa ay hindi isang kapintasan Ito ay isang regalo Pero bilang isang introvert, hindi madali mapagtanto kung gaano tayo kahanga-hanga Ang ating mundo ay parang isang lugar na para sa mga extroverts Kung saan ang pagiging maingay ay minimistulang tanda na ika'y masaya Kung saan lahat ng tao ay may gustong sabihin, pero walang nakikinig Ang mundo kung saan puno ng pakikipaginteraksyon Ang mga taong mahihinhin ay madaling mapagiwanan Nung bata ako, ako ay naging sobrang mahiyain Akala nila ay wala akong gustong sabihin o kaya ay hindi ko sila gusto pero hindi naman iyon totoo Kadalasan iniisip ng mga tao na ang introverts ay antisocial o mahihiyain pero wala namang katotohanan ito Gusto pa rin naman ng mga introverts makipaghalubilo sa mga tao Pero kapag ang mga extroverts ay nagiging mas ganado pagkatapos ng mga party ang mga introverts ay kailangan maging mapag-isa ulit para maging ganado Mayroong teoryang siyentipiko ukol dito Meron tayong dalawang importanteng kemikal sa ating mga utak ang dopamine at acetylcholine Ang dopamine ay parang isang energy pill kapag tayo ay nakikipagkilala ng mga tao kung saan nagiging mas masaya ang extroverts Pero ang mga introverts ay hindi hiyang sa dopamine and mabilis silang napupuno kaya mas nagugustuhan natin kapag nagpapakawala ng acetylcholine ang ating utak nangyayari ito kapag tayo ay nagcoconcentrate, nagbabasa, at nagfofocus Nagpapasaya ito ng mga introverts na hindi masyado nararamdaman ng extroverts Pero para pa rin itong isang sliding scale Pwede kang mapunta sa bawat dulo o pwede ka rin naman maging nasa gitna ang tawag dito ay mga ambivert ngayon ay naiintindihan ko na sarili ko at masaya ako sa sarili ko sa halip na punuin ko ang sarili ko ng mga small talk ako ay nakikinig na lang at pinagiisipan mabuti ang mga salitang binibitaw Konti lang ang aking kaibigan pero sobrang lalim ng samahan namin Gustong gusto ko ang maging mapag-isa Sa isang araw na puno ng gulo, ito ang oras kung saan ako ay mapapahinga Pagmamasdan at pakikinggan ko ang aking sarili hanggang sa kumunekta ako muli sa aking sarili At pagkatapos lang nun ako handa makipaghalu-bilo muli May mga natutunan ako na teknik para mabuhay sa isang maingay na mundo mula sa pakikinig sa musika hanggang gumawa ng sariling mundo o pag-alis patungo sa isang mapayapang parke tuwing lunch time Nakikita ko kung gaano kaganda ang pagkaingay ng mundo pero sa aking pag-iisa ko lang nararamdaman na ako ay masaya kapag napapahalagahan din ang kondisyon ng mga introverts ito ay tuluyang makakapagbago ng mundo dahil ang mga pangangailan ng mga introvert ay malalim intindihin Ika nga ni Gandhi, "In a gentle way, you can shake the world" Salamat sa panonood wag kalimutan mag-subscribe at pindutin ang bell para makakuha ng notification Sa muling pagkikita!