Ako ay isang introvert... at gusto ko ito
Hindi ako nag-iisa
Kahit saan ay may introvert
at ang ating paraan ng pamumuhay
ang pangangailangan ng oras para
mapag-isa ay hindi isang kapintasan
Ito ay isang regalo
Pero bilang isang introvert, hindi madali
mapagtanto kung gaano tayo kahanga-hanga
Ang ating mundo ay parang isang lugar
na para sa mga extroverts
Kung saan ang pagiging maingay ay
minimistulang tanda na ika'y masaya
Kung saan lahat ng tao ay may gustong
sabihin, pero walang nakikinig
Ang mundo kung saan puno ng
pakikipaginteraksyon
Ang mga taong mahihinhin ay madaling
mapagiwanan
Nung bata ako, ako ay naging sobrang
mahiyain
Akala nila ay wala akong gustong sabihin o
kaya ay hindi ko sila gusto
pero hindi naman iyon totoo
Kadalasan iniisip ng mga tao na ang
introverts ay antisocial o mahihiyain
pero wala namang katotohanan ito
Gusto pa rin naman ng mga introverts
makipaghalubilo sa mga tao
Pero kapag ang mga extroverts ay nagiging
mas ganado pagkatapos ng mga party
ang mga introverts ay kailangan
maging mapag-isa ulit para maging ganado
Mayroong teoryang siyentipiko ukol dito
Meron tayong dalawang importanteng
kemikal sa ating mga utak
ang dopamine at acetylcholine
Ang dopamine ay parang isang energy pill
kapag tayo ay nakikipagkilala ng mga tao
kung saan nagiging mas masaya ang
extroverts
Pero ang mga introverts ay hindi hiyang
sa dopamine
and mabilis silang napupuno
kaya mas nagugustuhan natin kapag
nagpapakawala ng acetylcholine ang
ating utak
nangyayari ito kapag tayo ay
nagcoconcentrate, nagbabasa, at nagfofocus
Nagpapasaya ito ng mga introverts
na hindi masyado nararamdaman ng extroverts
Pero para pa rin itong isang sliding scale
Pwede kang mapunta sa bawat dulo o pwede
ka rin naman maging nasa gitna
ang tawag dito ay mga ambivert
ngayon ay naiintindihan ko na sarili ko
at masaya ako sa sarili ko
sa halip na punuin ko ang sarili ko
ng mga small talk
ako ay nakikinig na lang at pinagiisipan
mabuti ang mga salitang binibitaw
Konti lang ang aking kaibigan pero
sobrang lalim ng samahan namin
Gustong gusto ko ang maging mapag-isa
Sa isang araw na puno ng gulo,
ito ang oras kung saan ako ay mapapahinga
Pagmamasdan at pakikinggan
ko ang aking sarili
hanggang sa kumunekta ako muli
sa aking sarili
At pagkatapos lang nun ako handa
makipaghalu-bilo muli
May mga natutunan ako na teknik para
mabuhay sa isang maingay na mundo
mula sa pakikinig sa musika hanggang
gumawa ng sariling mundo
o pag-alis patungo sa isang mapayapang
parke tuwing lunch time
Nakikita ko kung gaano kaganda ang
pagkaingay ng mundo
pero sa aking pag-iisa ko lang
nararamdaman na ako ay masaya
kapag napapahalagahan din ang kondisyon
ng mga introverts
ito ay tuluyang makakapagbago ng mundo
dahil ang mga pangangailan ng mga
introvert ay malalim intindihin
Ika nga ni Gandhi,
"In a gentle way, you can shake the world"
Salamat sa panonood
wag kalimutan mag-subscribe at
pindutin ang bell
para makakuha ng notification
Sa muling pagkikita!